Friday, November 13, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Lalaking umawat sa alitan, patay sa pananaksak sa Iligan City

Nauwi sa trahedya ang pag-awat ng isang lalaki sa alitan sa Barangay Rogongon, Iligan City. 

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nakikipagtalo ang isang kapitbahay ng biktima sa dalawang lalaki sa Sitio Malinawon noong  Nobyembre 8. 

Umawat umano ang biktima at inilayo ang kapitbahay para hindi na lumala ang gulo.

Pero ang biktima ang pinagbalingan at pinagsasaksak umano ng dalawang suspek.

Ang ginamit na patalim ay tinatawag sa lugar na “plamingco” at tinatayang isang talampakan ang haba.

Nagtamo ang biktima ng walong saksak.

Tumakas ang mga suspek dala ang patalim.

Nagsagawa ng hot-pursuit operation ang mga pulis para matunton ang dalawang suspek.

Tinutulungan na rin ng pulisya ang asawa ng biktima sa pagsasampa ng kaukulang kaso.  

IBA PANG BALITA:

Leave a Reply