Mga uod naglabasan sa paaralan sa Iloilo
Nagulat ang ilang mga guro at mag-aaral matapos dumagsa ang napakaraming uod sa harap ng Janiuay Pilot Elementary School sa Janiuay, Iloilo, noong Miyerkoles ng umaga, Nobyembre 11, 2026.
Sa video na ibinahagi ng gurong si Mary Ann Fernandez, makikita ang paglabasan ng maraming uod mula sa ilalim ng lupa.
Ayon kay Ryan Catilo isang guro, first time nila na makakita ng ganito karaming uod.
Dagdag pa nito, bumuhos ang ulan sa lugar at kinabukasan ay naglitawan na ang maraming uod.
Inaalam na ngayon Municipal Environment and Natural Resources Office ng Janiuay ang dahilan sa nangyaring insidente. Ulat ni Rolen Escaniel