Thursday, November 12, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

P455.6-M halaga ng hinihinalang shabu nasamsam sa Zamboanga City buy-bust

Aabot sa 67 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P455.6 milyon ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation sa Zamboanga City nitong Miyerkules, Nobyembre 11. 📸 Contributed 

MAYNILA — Aabot sa 67 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P455.6 milyon ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation sa Zamboanga City nitong Miyerkules, Nobyembre 11.

Apat na suspek ang naaresto sa operasyon na isinagawa sa Zone 4, Arcillas Street, Barangay Mercedes.

Ayon sa paunang ulat, dalawang pakete na naglalaman ng humigit-kumulang dalawang kilo ng hinihinalang shabu ang nakuha bilang subject of sale sa buy-bust operation.

Nasamsam din ang 65 pang pakete na naglalaman naman ng tinatayang 65 kilo ng hinihinalang shabu na itinuring na subject of possession.

Narekober din sa mga suspek ang apat na identification card, isang passport ID, dalawang cellphone, isang digital weighing scale, isang remittance transaction slip, susi ng sasakyan, at isang pulang kotse.

Nahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kaugnay ng pagbebenta at pag-iingat ng ilegal na droga.

         

Leave a Reply