Friday, November 13, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Angelina Jolie ibinahagi ang karanasan sa humanitarian work sa Cambodia

Mula sa kalakalan hanggang sa pagkakawanggawa, ilang prominenteng personalidad sa iba-ibang larangan ang dumalo sa ASEAN Inclusive Growth Summit kung saan exclusive media partner ang ABS-CBN. 

Nagbahagi rin ang Hollywood actress na si Angelina Jolie ng karanasan at kahalagahan ng humanitarian work.

Ikinuwento ni Jolie na una siyang nakapunta sa bansa para mag-shoot ng pelikula. 

Doon, humanga siya sa tatag ng mga Cambodian, sa kabila ng mga hirap at karahasang dinanas nila mula pa noong panahon ng Khmer Rouge. 

Samantala, ibinida ng award-winning singer at theater actress na si Lea Salonga ang galing at talentong Pinoy.

Nagpapatrol, Andrea Taguines. TV Patrol, Huwebes, 12 Nobyembre 2026 

Leave a Reply