Friday, November 13, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Chinese arestado sa Malabon; P160M smuggled yosi, illegal vape products nasamsam

Aabot sa P160 milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo at ilegal na vape products ang nasamsam ng mga awtoridad sa Malabon City.

Lumalabas na ginawang bodega ang isang inuupahang bahay sa isang exclusive village sa Barangay Potrero. 

Nakumpirma ng Department of Trade and Industry na ilegal ang mga produkto at may mga paglabag sa mga panuntunan ng ahensya. 

Arestado naman ang isang Chinese sa naturang buy-bust operation.

Hinala ng pulisya, malawak ang operasyon ng dayuhan na posibleng nago-operate sa Cavite at iba pang bahagi ng CALABARZON. 

Nagpapatrol, Michael Delizo. TV Patrol, Huwebes, 12 Nobyembre 2026.

Leave a Reply