TV PATROL: Hukom patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Zamboanga City
Patay ang isang hukom sa pananambang sa Zamboanga City ngayong Huwebes.
Papunta sana sa Basilan si Judge Joseph Wee Sit para sa isang hearing bilang presiding judge ng Isabela City Regional Trial Court 9 Branch 2.
Nilampasan ng isang motorsiklo ang kanyang sasakyan bago siya pagbabarilin ng riding-in-tandem.
Naisugod pa sa ospital ang hukom pero binawian din ng buhay dahil sa limang tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan.
Mariing kinondena ng Integrated Bar of the Philippines at ng Pamahalaang Lokal ng Basilan ang pamamaslang.
Nagpapatrol, Queenie Casimiro. TV Patrol, Huwebes, 12 Nobyembre 2026.