TV PATROL: James Reid nagkuwento tungkol sa pinagdaanang hamon sa ‘Haunted Carnival’
May mga bagong karanasan si multimedia prince James Reid sa pelikula niyang ‘Haunted Carnival.’
Kasama niyang mananakot sa horror film sa December 25 sina John Arcilla, Maricel Soriano, Julia Barretto at Fyang Smith.
Samantala, ipalalabas na sa mga sinehan sa buong bansa ang ‘Status: Rejected’ — ang pelikulang nagpapanalo kay Ruby Ruiz bilang best actress.
Excited aniya siyang mapanood ng mas maraming Pilipino ang kuwento ng kanyang karakter na si Biring.
Nagpapatrol, Anna Cerezo. TV Patrol, Huwebes, 12 Nobyembre 2026.