TV PATROL: Riding-in-tandem patay sa engkwentro sa mga pulis sa Taguig
Patay ang sinasabing lider ng robbery holdup group at kasabwat nito matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Taguig City.
Ayon sa isa sa empleyado ng karinderya, napansin na niyang paikot-ikot ang riding-in-tandem sa paligid bago bumaba ang isa sa kanila at hinablot ang kuwintas ng biktimang nasa loob ng kainan.
Hindi alam ng mga suspek na ang hinablutan nila ng kuwintas ay isa palang pulis na nagsasagawa ng intelligence work sa lugar.
Hinabol ng pulis ang dalawa hanggang sa nagkapalitan ng putok ng baril.
Batay sa imbestigasyon, lider ng Santos Robbery and Carnapping Group ang isa sa mga suspek na nasangkot na sa patong-patong na kaso ng carnapping at theft.
Nagpapatrol, Jeff Caparas. TV Patrol, Huwebes, 12 Nobyembre 2026.