TV PATROL: Rollback sa presyo ng LPG ipinatupad na ng ilang kumpanya
Pinaaga ng mga kumpanya ng langis ang bawas-presyo sa LPG matapos pumayag na umano ang Department of Energy na ibabawas sa December price adjustment ang rollback ngayon at sa mga susunod na linggo.
May namumuro namang panibagong rollback sa presyo ng petrolyo sa Martes dahil nagtuloy-tuloy ang mas mababang presyo sa ikalawang araw ng trading sa world market.
Samantala, kinumpirma na ng Meralco na may pagtaas na naman sa singil sa kuryente sa paparating na November billing pero sa Huwebes pa iaanunsyo ang aktwal na rate increase.
Pasok din sa November billing ang mahigit P2 billion na refund na inutos ng gobyerno at ang dagdag sa distribution rate o singil na napupunta sa kaban ng Meralco.
Nagpapatrol, Alvin Elchico. TV Patrol, Huwebes, 12 Nobyembre 2026.