Saturday, November 14, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

ALAMIN: Pinasimpleng proseso ng pagkuha ng ayuda sa AICS

Mula lima, tatlong hakbang na lamang ang kailangang sundan para makakuha ng ayuda sa ilalim ng AICS. George Calvelo, ABS-CBN News/File
MAYNILA — Pinasimple ng Department of Social Welfare and Development ang pagkuha ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program ng gobyerno.

Mula lima, tatlong hakbang na lamang ang kailangang sundan para makakuha ng ayuda.

Kailangan na lamang kumuha ng mga aplikante ng online appointment o QR code saka sasailalim sa assessment o interview ng isang social worker, ayon kay Edwin Morata, direktor ng Crisis Intervention Program.

Matapos nito, matatanggap na ang ayuda sa ilalim ng AICS.

Inaasahan na sa parehong araw ng interview rin makukuha ang ayuda, sabi ni Morata.

Isang valid government-issued ID lamang ang kailangang ipakita para sa pagkuha ng ayuda, kabilang na rito ang national ID, aniya.

“We no longer require two valid IDs,” ani Morata.

Hindi na rin aniya kailangang magpakita ng certificate of indigency, kabilang na ang referrel letter mula sa mga politiko.

“What we’re really looking at here is the story of the person and the document that proves that the client needs something,” sabi ni Morata.

“What we are looking at here is not the person himself. We are looking at the situation. As long as we are in crisis. We don’t have a category of income.”

Bukod panggastos sa ospital, sakop rin ng AICS ang pagbibigay ayuda para sa gamot, pangpamasahe, pagkain, therapy, assistive devices, funeral expenses, at iba pang kagyat na pangangailangan.

Puwede ring humingi ng ayuda para sa kaanak na may sakit o nasa ospital basta’t magdala lang ng authorization letter at iba pang supporting documents.

Leave a Reply