Beauty and brains: Bb. Nueva Ecija-Tourism 2022, Top 1 sa Veterinary Licensure Exam
Hindi lamang korona ang kayang isuot ni Michela Nicole Rivera kundi maging ang karangalan bilang nangungunang examinee sa November 2026 computer-based Veterinarian Licensure Examination matapos makakuha ng markang 92.50 porsiyento.
Ang kanyang marka, ang pinakamataas sa kasaysayan nang naturang pagsusulit.
Nagtapos si Rivera ng Doctor of Veterinary Medicine sa Central Luzon State University bilang magna cum laude at valedictorian.
Michela Nicole Rivera Bukod sa husay sa akademiko, namamayagpag din ang kanyang karera sa beauty pageant matapos masungkit ang titulong Mutya ng Lungsod Agham ng Muñoz noong 2019 at Binibining Nueva Ecija–Tourism noong 2022, gayundin ang iba pang korona noong siya ay nasa kolehiyo.
Ayon kay Rivera, naging mahalaga ang disiplina at maayos na pamamahala ng oras upang mapagsabay ang paghahanda sa mga beauty pageant at pag-aaral.
May mga pagkakataon pa umano na nagrerepaso siya ng mga aralin habang naghihintay sa mga photoshoot at iba pang aktibidad sa pageant.
Michela Nicole Rivera Aminado rin siyang hindi niya inakalang makakamit ang unang puwesto sa pagsusulit, lalo’t lumaki siya sa isang maliit na barangay na malayo sa bayan.
“Never in my wildest dreams po. Hindi ko talaga naisip noong bata ako na magiging posible para sa akin na maging Top 1 sa board exam.”
Umaasa siyang magsilbing inspirasyon sa mga kabataang mangarap nang mataas at patunay na hindi hadlang ang pinagmulan upang maabot ang tagumpay.