Sunday, November 15, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Binatilyo nabalian ng buto sa braso matapos hampasin umano ng baril ng pulis

Nabalian ng buto sa braso ang isang binatilyo nang hampasin umano ng baril ng pulis sa isang checkpoint sa Baliwag, Bulacan. 

Kuwento ng biktima, angkas niya noon ang tiyuhin sa motorsiklo pauwi nang dumaan sila sa Pulilan-Baliwag Bypass Road. 

Hindi nila napansin ang checkpoint kaya hindi sila huminto, pero bigla umano siyang hinampas ng mahabang baril ng pulis habang sinuntok din umano ng pulis ang kanyang tiyuhin sa tiyan.

Depensa naman ng pulisya, aksidente lang ang nangyari at wala anilang intensyon ang pulis na masaktan ang biktima.     

Nagpapatrol, Michael Delizo. TV Patrol, Biyernes, 13 Nobyembre 2026.

Leave a Reply