Sunday, November 15, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: EDSA traffic inaasahang bibigat dahil sa mga bibiyahe para sa long weekend

Inaasahan ng Metropolitan Manila Development Authority ang mas mabigat na trapiko sa Metro Manila ngayong ‘payday Friday’ dahil sa mga bibiyahe para sa long weekend.

Tuloy-tuloy naman ang pagdating ng mga delegado para sa nalalapit na 49th ASEAN Summit kaya nagpatupad ang mga awtoridad ng iba-ibang traffic scheme at alternatibong ruta.

Ipinatutupad din ang stop-and-go scheme bilang bahagi ng security protocol sa tuwing may dumadaang convoy ng mga delegado.

Samantala, magpapatuloy ang Department of Public Works and Highways sa EDSA Rehabilitation Phase 2, kabilang ang reblocking at asphalt overlaying sa EDSA southbound, mula Caloocan hanggang Quezon City ngayong Biyernes ng gabi hanggang November 16.

Live mula sa EDSA – Buendia nagpapatrol si Izzy Lee. TV Patrol, Biyernes, 13 Nobyembre 2026.

Leave a Reply