Sunday, November 15, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Mga gustong sulitin ang bakasyon dahil sa ASEAN Summit biyaheng-probinsya ulit

Limang araw na walang pasok ang marami dahil sa ASEAN Summit, kaya muli itong sinamantala ng mga gustong mag-take two sa mahabang pahinga. 

Ayon sa pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange, inaasahang mas marami ang maglalabasan ng Metro Manila ngayon kumpara noong Undas dahil mas mahaba ang araw ng bakasyon. 

Base na rin sa pagbili ng ticket ng mga pasahero, kapansin-pansin anila na medyo nag-iba ang destinasyong pinipili ng mga pasahero gaya ng Baguio, Batangas, Laguna, La Union at mga lugar na kilalang bakasyunan.

Live mula sa PITX sa Parañaque City, nagpapatrol si Raphael Bosano. TV Patrol, Biyernes, 13 Nobyembre 2026.

Leave a Reply