TV PATROL: Microsoft sinisikap ayusin ang aberya sa Outlook
Sinisikap ng Microsoft na ayusin ang malaking pagkawala ng serbisyo ng Outlook.
Ayon sa kumpanya, hindi nangyari ayon sa inaasahan ang pagsasaayos nito kaya naghahanap sila ng alternatibong solusyon lalo’t buong mundo ang gumagamit ng produkto.
Ramdam globally ang outage mula mga kumpanya hanggang sa mga sangay ng pamahalaan, nag-report na hindi magamit ang kani-kanilang Outlook. Maging Teams at AI Assistant Copilot, nagka-problema rin.
TV Patrol, Biyernes, 13 November 2026.