Monday, November 16, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Extradition ni Quiboloy dadaan pa proseso, ayon sa DOJ

Nilinaw ng tagapagsalita ng DOJ na si Atty. Polo Martinez, na hindi agad-agad na maipapasa si Quiboloy sa U.S. authorities, kahit pa may inilabas nang extradition arrest warrant. 

Ito’y dahil kailangan pang isilbi ng U.S. authorities ang nasabing warrant at may daraanan pang proseso bago pa magpasya ang korte kung may sapat na dahilan ang hiling na extradition ng Amerika kay Quiboloy.   

Hindi naman masabi ni Martinez kung gaano katagal aabutin ang mga court proceedings. 

Nahaharap si Quiboloy sa mga kasong international human trafficking, sex trafficking, conspiracy at bulk cash smuggling sa US courts.  

TV Patrol, Sabado, 14 Nobyembre 2026. 

Leave a Reply