Tuesday, November 17, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: 17 Pinoy seafarers na lulan ng tanker na sumalpok sa cruise ship, ligtas na — DMW

Ligtas na ang 17 Filipino seafarers na lulan ng tanker na Atlantic Asphalt na sumalpok sa naka-dock na river cruise boat sa Louisiana sa Amerika. 

Ayon sa DMW, dalawang oras nang naka-dock ang riverboat na American Heritage nang salpukin ng tanker. 

Dagdag ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, nakikipagtulungan na sila sa Philippine Embassy at consulate sa Amerika, gayundin sa manning agency sa Pilipinas para sa repatriation ng mga seafarers. 

Wala namang naitalang critical injury sa 32 itinakbo sa ospital dahil sa collision. 

TV Patrol, Linggo, 15 Nobyembre 2026

Leave a Reply