Tuesday, November 17, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: 2 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa Masbate City

Dalawa ang patay at dalawa pa ang sugatan sa pagsabog sa Barangay Pating, Masbate City, alas dos nitong Sabado ng hapon. 

Isa sa mga unang rumesponde ang mga taga-Philippine Red Cross Masbate Chapter. 

Agad namang dinala sa ospital ang dalawang nasugatan. 

Batay sa paunang ulat ng Police Regional Office 5, posibleng dulot ito ng sumabog na pressurized biogas. 

Sinusuri na ng mga pulis ang CCTV footage at ang mga sample na nakalap sa lugar para matukoy ang sanhi ng pagsabog. 

Hinimok naman ng mga awtoridad ang publiko na iwasang magpakalat ng mga hindi pa beripikadong impormasyon habang tuloy ang imbestigasyon. 

TV Patrol, Linggo, 15 Nobyembre 2026 

Leave a Reply