Wednesday, November 18, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: 4 sugatan, 60 pamilya apektado sa sunog sa Bgy. San Antonio, Parañaque City

Apat ang sugatan habang nasa 60 pamilya o nasa 150 indibidwal ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa Barangay San Antonio, Parañaque City ngayong Linggo ng umaga. 

Tinatayang 30 bahay at establisyimento ang naapektuhan sa insidente. 

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog, kaya kinailangan ang 12 trak ng bombero para apulahin ang apoy. 

Ayon sa Bureau of Fire Protection Parañaque, nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng isa sa mga bahay. 

Tinatayang aabot sa isandaan at limampung libong piso ang halaga ng pinsala sa ari-arian. Wala namang naiulat na nasawi o nawawala. 

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. 

TV Patrol, Linggo, 15 Nobyembre 2026

Leave a Reply