Wednesday, November 18, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: BINI, Carmelle hataw sa tatlong panalo sa international stage

Tatlong international awards ang nasungkit ng ABS-CBN artists na sina Carmelle at Bini, na muling nagbigay ng karangalan sa Pilipinas nitong weekend. 

Dalawang international awards ang napanalunan ng Nation’s Girl Group. Una ang ‘Favorite Global Music Star’ sa 2026 Nickelodeon Kids’ Choice Awards. 

Dinaig ng girls ang ilang international stars na sina Taylor Swift, Karol G, Zara Larsson, Olivia Dean, Tyla at Tame Impala. Kinilala rin ang Bini na ‘Most Influential Southeast Asian Artiste – Female sa Jupiter Music Awards na idinaos sa Ho Chi Minh, Vietnam. 

Samantala, gumawa ng kasaysayan si Carmelle, matapos maging kauna-unahang kampeon ng Eurovision Song Contest Asia, na ginanap sa Bangkok, Thailand. 

Ayon kay ABS-CBN Music and Integrated Events head Roxy Liquigan, patunay ang mga tagumpay na ito na kayang makipagsabayan ng talentong Pilipino sa pinakamahuhusay sa buong mundo. 

Dagdag niya, patuloy na magbubukas ang ABS-CBN ng mas maraming oportunidad para maipakilala sa international stage ang talento ng mga Pilipino, at mas mapalawak ang abot ng Pinoy music sa buong mundo. 

TV Patrol, Linggo, 15 Nobyembre 2026

Leave a Reply