Tuesday, November 17, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Helmet store sa San Fernando, La Union hinoldap at pinagnakawan

Pinasok at hinoldap ang tindahan ng mga helmet sa Barangay Pagdalagan, San Fernando City, La Union.

Sa kuha ng CCTV, pinasok ng isang lalaking armado ng patalim ang tindahan at nilapitan ang nag-iisang tindera. 

Pinabukas umano ng suspek ang digital wallet ng establisimyento para ilipat ang laman nitong pera.

Pero nagkataong wala itong laman, kaya tinangay na lang ng suspek ang cash mula sa tindahan, na nagkakahalaga ng isanlibong piso. 

Mabilis na umalis ang suspek sakay ng motorsiklo. Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya sa insidente. 

TV Patrol, Linggo, 15 Nobyembre 2026. 

Leave a Reply