TV PATROL: Kasong murder isinampa vs 3 suspek sa pagpatay kay Basilan Judge Joseph Wee Sit
Nagsampa na ng kasong murder ang Police Regional Office 9 laban sa tatlong suspek sa pagpatay kay Basilan RTC Branch 2 Presiding Judge Joseph Wee Sit.
Pormal na inihain ang reklamo sa Zamboanga City Prosecutor’s office nitong Sabado matapos ang imbestigasyon ng binuong special task group.
Kinumpirma ng tagapagsalita ng PRO 9 na si Police Lt. Col. Shellamie Chang na tukoy na ang bumaril, batay sa salaysay ng mga nakakita at sa kuha ng CCTV.
TV Patrol, Linggo, 15 Nobyembre 2026.