TV PATROL: Pang. Marcos Jr. iginiit sa ASEAN Leaders’ Retreat ang pagpapalakas sa rehiyon
Tuloy pa rin ang high-level meetings ngayong araw sa pagsisimula ng 49th ASEAN Summit and Related Summits dito sa Maynila.
Makulay at engrande ang pagbubukas ng 49th ASEAN Summit and Related Summits.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ASEAN Leaders’ Retreat Session sa Coconut Palace.
Dito iginiit ni Marcos na kailangang palakasin ng rehiyon ang pagtugon sa iba-ibang pagsubok gaya ng geopolitical tensions, hamon sa ekonomiya, enerhiya, food security at climate change.
Binigyang diin din ng pangulo ang kahalagahan na masolusyunan ang krisis sa Myanmar bunsod ng military takeover noong 2021.
TV Patrol, Linggo, 15 Nobyembre 2026