Tuesday, November 17, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Protesta vs ASEAN Summit nauwi sa girian sa pagitan ng raliyista at mga pulis

Sinalubong ng hulihan at girian ng mga raliyista at pulis sa Maynila ang unang araw ng 49th ASEAN Summit. 

Sumiklab ang tensyon nang subukang magmartsa ng mga raliyista patungo sana sa PICC na pinagdarausan ng ASEAN Summit.  

Pero sabi ng Manila Police District, hindi nila ito pahihintulutan dahil labas na ito sa itinalagang Freedom Park kung saan pwedeng magprotesta. 

Sa Muntinlupa, tinatayang aabot sa 200 na mga raliyistang kontra sa Pax Silica ang hinarang ng mga kagawad ng Southern Police district sa Bgy. Cupang. 

Ayon kay SPD Chief Brig. Gen. Rodel Pastor, kabilang sa 200 ang ilang menor de edad kaya ni-rescue na rin sila ng pulisya. 

TV Patrol, Linggo, 15 Nobyembre 2026

 

Leave a Reply