TV PATROL: Babae arestado sa Pasay matapos umanong magpanggap na contractor
Arestado sa entrapment operation ng NBI ang isang babae na nagpanggap umanong contractor.
Limang milyong piso na umano ang nakuha ng suspek sa mag-asawang biktima.
Pero matapos ang isang taon, tanging buhangin at graba lang ang naitambak sa kanilang lupa.
Dahil sa patuloy na paghingi ng pera, umabot sa mahigit limang milyong piso ang naibayad ng mag-asawa.
Dito na ikinasa ng NBI ang entrapment operation na humantong sa pag-aresto sa suspek.
Nagpapatrol, Zyann Ambrosio. TV Patrol, Lunes, 16 Nobyembre 2026.