Wednesday, November 18, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Diwa ng pasko hatid sa pelikulang ‘Ebenezer’

Tunay na kahulugan ng pasko ang ihahatid sa classic story ni Charles Dickens na mapapanood sa bagong pelikula ni Johnny Depp. 

Tunay na diwa ng pasko sa pamamagitan ng klasikong istoryang “A Christmas Story” ang handog ng pelikulang “Ebenezer” na pinagbibidahan ni Depp.

Si Ebenezer Scrooge ay isang mayaman pero madamot at walang pusong businessman na masungit maging sa nag-iisang kamag-anak na ginagampanan ni sam claflin. 

Ginagampanan naman ni “Harry Potter” star na si Rupert Grint ang isang masipag na empleyado at mabuting family man. 

Kilala sa mga critically acclaimed horror films ang direktor nito na si Ti West kaya naman nakakatakot ang anyo ng mga multo sa pelikula. 

Nagpapatrol, Hollywood correspondent Yong Chavez. TV Patrol, Lunes, 16 November 2026.

Leave a Reply