Wednesday, November 18, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: PWD nasawi sa sunog sa isang residential area sa QC

Patay ang isang Person with Disability habang sugatan ang isa pang lalaki nang masunog ang isang residential area sa Novaliches, Quezon City nitong Linggo. 

Umaalingawngaw ang hagulgol ng isang babae habang kinukuhanan ng netizen ang makapal na usok mula sa nasusunog na sampung bahay sa Santan Street, Bgy. Capri, Novaliches, Quezon City. 

Magkakatabi ang mga ito kaya itinaas agad sa ikalawang alarma ang sunog na nirespondehan ng labinlimang trak ng bumbero. 

Patay sa sunog si Christopher Bergado, na isang PWD. Natagpuan ang bangkay niya sa loob ng isang palikuran. 

Nagpapatrol, Bea Cuadra. TV Patrol, Lunes, 16 November 2026.

Leave a Reply