TV PATROL: RAdm. Jay Tarriela at Chinese academic nagkainitan sa isyu ng Ayungin Shoal
Naging mainit ang talakayan sa Manila Dialogue on the South China Sea matapos igiit ng isang Chinese academic na ilegal na sinasakop ng Pilipinas ang Ayungin Shoal.
Sinabi ni Dr. Zheng Zhihua ng Shanghai Jiao Tong University na nagpipigil lang umano ang China, sa kabila ng sinasabing panghihimasok ng Pilipinas sa isa aniyang Chinese territory.
Kinuwestyon din niya ang paggiit ng Pilipinas na sakop ng exclusive economic zone ng bansa ang bahura.
Dagdag pa ni Zheng, ito aniya ang dahilan kaya gumagamit ng water cannons ang China.
Pumalag si Rear Admiral Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard sa isyu ng West Philippine Sea.
Hinamon niya ang pahayag ng Chinese academic, at iginiit na walang territorial jurisdiction ang Ayungin Shoal.