TV PATROL: Marcos pinangunahan ang ASEAN Plus Three Summit kasama ang Japan, Korea at China
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga pulong sa East Asian dialogue partners na Japan, Korea at China sa huling araw ng ASEAN meetings sa Pilipinas.
Binigyang diin ng pangulo na mahalagang maramdaman agad ng mga ordinaryong taong apektado ng mga krisis, mataas na presyo ng mga pagkain at serbisyo, at nawawalang kabuhayan ang mga benepisyo mula sa kooperasyon ng mga bansa sa rehiyon.
Ayon pa kay Marcos, ilan na sa naging resulta ng pagtutulungan ang financial arrangements at suporta sa supply ng pagkain gaya ng ASEAN plus three emergency rice reserve na nakatutulong sa iba-ibang bansa sa mga oras ng pangangailangan.
Live mula International Media Center, nagpapatrol si Zen Hernandez. TV Patrol, Martes, 17 Nobyembre 2026