TV PATROL: Seguridad sa suplay ng enerhiya tinalakay sa AZEC leaders’ meeting
Sa ikaapat na Asia Zero-Emission Community (AZEC) leaders’ meeting sa Manila, na pinangunahan nina Japanese Prime Minister Sanae Takaichi at President Ferdinand Marcos Jr., inilatag ng Japan ang panukalang mas palakasin ang kooperasyon ng mga bansa sa rehiyon pagdating sa seguridad sa supply ng enerhiya.
Kabilang dito ang pagbuo ng Asia Oil Security Task Force na magtatakda ng mga alituntunin para sa pagpapalabas at paglipat ng reserbang langis sa panahon ng emergency.
Panukala rin ng Japan na magtayo sa Tokyo ng regional coordination hub, katulad ng International Energy Agency.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagpapalakas sa renewable energy industry at transition fuels tulad ng LNG, pati na rin ang pagkakaroon ng sariling petroleum reserve ng bansa.
Sa hiwalay na ASEAN-India Summit, nanawagan naman si Indian Prime Minister Narendra Modi ng mas pinaigting na kooperasyon sa mas maraming larangan para sa ikauunlad ng India at mga bansa sa timog-silangang Asya.
Samantala, bago matapos ang chairship ng Pilipinas, pinangunahan din ni Marcos ang ASEAN-East Asia Summit.
Kasama ang dialogue partners nito gaya ng Australia, China, New Zealand, at Japan.
Binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng pakikipag-dayalogo, na batay sa international law sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng mundo ngayon.
Nagkaroon din ng ilang engagements si First Lady Liza Araneta-Marcos nitong Linggo, kabilang ang pagho-host ng pagtitipon para sa mga asawa ng ASEAN leaders.
Bahagi ito ng serye ng mga regional gathering sa ilalim ng fostering the future together global coalition na inilunsad ni US First Lady Melania Trump.
Nagpapatrol, Andrea Taguines. TV Patrol, Martes, 17 Nobyembre 2026