Saturday, November 21, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Ukraine handang makipagtulungan sa Pilipinas sa larangan ng defense technology

Nagpahayag ng kahandaan ang Ukraine na makipagtulungan sa Pilipinas, partikular sa larangan ng depensa. 

Nagpasalamat si Ukrainian Ambassador to the Philippines Yulia Fediv sa suporta ng Pilipinas sa Ukraine sa gitna ng alitan nito sa Russia. 

Muli namang nagpalitan ng mga patama ang Pilipinas at China sa ikatlo at huling araw ng Manila Dialogue on the South China Sea. 

Inihalintulad ni Rear Admiral Jay Tarriela kay Voldemort ang mga bansang lumalabag sa international law. 

Pumalag si Dr. Sophie Wushuang Yi ng Beijing-based Grandview Institution sa pahiwatig ni Tarriela kaugnay ng kontrabida sa Harry Potter series. 

Magkakaiba aniya ang pananaw ng iba-ibang bansa sa isyu ng hustisya, at ang Voldemort para sa isang bansa ay posibleng si Dumbledore para sa iba. 

Nagpapatrol, Bianca Dava. TV Patrol, Martes, 17 Nobyembre 2026

Leave a Reply