TV PATROL: US Pres. Donald Trump dumating na sa Pilipinas para sa 49th ASEAN Summit
Dumating na sa Pilipinas si US President Donald Trump, lulan ng Air Force One ngayong Martes ng hapon para humabol sa pagtatapos ng 49th Asean Summit and Related Summits at ilan pang mahahalagang pulong.
Pasado alas singko y media ng hapon ngayong Martes nang lumapag dumating si Trump sa Naia Balagbag ramp area.
Ngayong gabi, dadalo siya sa ASEAN-US Special Summit.
Sa kanyang pagbaba, iwinagayway niya ang maliit na bandila ng Pilipinas at Amerika. Sinalubong siya ni Executive Secretary Ralph Recto, Ilocos Norte Rep. at Presidential son Sandro Marcos, Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, US Ambassador to the Philippines Lee Lipton at Pasay City Mayor Emi Calixto.
Inaasahang maghaharap din sila ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa bilateral meeting.
Lilipad naman patungong China si Trump sa Miyerkules, Nov. 28 para naman sa APEC Summit.
Nagpapatrol, Harlene Delgado. TV Patrol, Martes, 17 Nobyembre 2026