Thursday, November 26, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

ABS-CBN Foundation, TV Patrol naghatid ng ayuda sa mga nalindol sa Balut Island, Davao Occidental

Mahigit apat na buwan mula nang yanigin ng magnitude 7.8 na lindol ang Balut Island sa Davao Occidental, bakas pa rin ang naging epekto at pinsala ng lindol sa lugar at pati sa mga residente roon. 

Binisita ng ABS-CBN Foundation Sagip Kapamilya ang mga taga-isla, katuwang ang TV Patrol Lingkod Kapamilya, para mangumusta at maghatid ng ayuda.

Muli ring binista ang mga residenteng apektado rin ng lindol sa bayan naman ng Jose Abad Santos para mamahagi ng house repair kits sa higit 100 pamilya.

Layon ng programang matulungan ang mga Kapamilya natin sa kanilang pagbangon.

Nagpapatrol, Bernadette Sembrano. TV Patrol, Miyerkules, 18 Nobyembre 2026.

Leave a Reply