TV PATROL: 3 lalaki tinangay ang motor ng senior citizen sa Antipolo
Sapul sa CCTV ang pagtangay ng tatlong lalaking magkaka-angkas sa motorsiklo sa isang nakaparadang motorsiklo ng isang senior citizen sa Antipolo City.
Nanghihinayang nang husto ang na biktima dahil katas aniya ng kanyang paghihirap bilang tricycle driver ang ninakaw na motorsiklo na mahigit P60,000 ang halaga.
Nai-report na ng biktima sa barangay ang insidente.
Nagsasagawa na ang pulisya ng backtracking sa mga kuha ng CCTV para matukoy ang direksyong tinahak ng mga suspek.
Yan ang CCTV Patrol exclusive ni Christopher Sitson. TV Patrol, Miyerkules, 18 Nobyembre 2026