Thursday, November 26, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Carnapping suspect patay sa engkwentro vs pulis sa Las Piñas

Dead on the spot ang isang suspek sa carnapping matapos umanong makipaghabulan at makipagbarilan sa mga pulis sa Las Piñas City.

Bago ang engkwentro, sapul sa video ang pagtangay ng lalaki sa isang motorsiklo.

Ayon sa may-ari ng motorsiklo, kakasundo lang niya sa dalawang katrabaho sa spa na nag-home service nang bigla silang lapitan ng suspek na nanutok ng baril bago tangayin ang sasakyan.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan at iba pang posibleng krimen na sangkot ang suspek lalo’t napag-alaman nilang dati na itong may record ng kasong carnapping at ilegal na droga.

Yan ang CCTV Patrol ni Bea Cuadra. TV Patrol, Miyerkules, 18 Nobyembre 2026.

Leave a Reply