Thursday, November 26, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: DOTr: Malanday depot ng North-South Commuter Railway 90% nang tapos

Halos 90% na ang natatapos sa Malanday depot ng North-South Commuter Railway sa Valenzuela City. 

Ito ang iniulat sa ginawang inspeksyon ni Department Of Transportation Secretary Vince Dizon sa depot ngayong Miyerkules. 

Ayon kay Dizon, sa pagtatapos ng taon ay aabot na sa 95 percent ang koneksyon ng mga istasyon ng tren mula Valenzuela hanggang Malolos. 

Nasa depot rin ngayon ang apat na set ng tren na ang bawat isa ay binubuo ng walong bagon para sa Malolos–Valenzuela segment. 

Maasahan naman ang pagdating ng karagdagang mga tren sa Pebrero sa susunod na taon. 

TV Patrol, Miyerkules, 18 November 2026.

Leave a Reply