Thursday, November 26, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Mga nag-long weekend sa probinsya nagsisimula nang bumalik sa Metro Manila

Nagsimula nang lumuwas sa Metro Manila ang mga biyaherong umuwi sa kani-kanilang probinsya nitong nagdaang long weekend matapos ang ASEAN Summit. 

Ayon sa ilang pasaherong nakausap ng ABS-CBN News, ayaw na nilang maipit sa dagsa ng mga bakasyonistang babalik sa Kamaynilaan sa Huwebes. 

Ayon sa pamunuan ng isang bus company, mas marami pang bumiyahe nitong ASEAN long weekend kaysa noong Undas kaya nagdagdag sila ng mga bus.

Samantala, nagsimula na ring dumami ang volume ng mga sasakyang dumadaan ng North Luzon Expressway kaya naglatag na ang pamunuan nito ng counterflow sites para maibsan ang daloy ng trapiko.

Live mula sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), nagpapatrol si Andrea Taguines. TV Patrol, Miyerkules, 18 Nobyembre 2026.

Leave a Reply