TV PATROL: Mga Pinoy sa US naapektuhan din ng technology at system outages
Malaking abala ang idinulot ng mga magkakasunod na aberya sa tech platforms sa Filipino-American community.
Maraming mga negosyo at transaksyon ang naapektuhan kasunod ng mga glitch. Balik-normal na ang operasyon ng mga paliparan, banko at maging sa software, matapos ang pagkapilay ng maraming serbisyo sa Estados Unidos at maging sa iba pang bansa mula noong Huwebes.
Pero hindi mabura sa isip ng Filipino community sa Amerika ang perwisyong idinulot nito sa kanila.
Problemado rin ang breadwinner na si Jack kung paano ipadadala ang kailangang pera ng kanyang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.
Nagpapatrol, Connie Macatula-De Leon. TV Patrol, Miyerkules, 18 November 2026.