TV PATROL: Nayeon pinasaya ang Pinoy fans sa meet-and-greet sa Taguig
Ikinatuwa ng Pinoy fans ang pagbabalik-bansa ng K-pop idol na Nayeon mula sa grupong Twice.
Game na game siyang nakipag-bonding sa kanyang Pinoy fans o ‘Filo Once’ sa kanyang meet-and-greet sa Taguig City nitong Sabado.
Pero bukod sa reunion kasama ang Once, looking forward din siya sa pagkain ng kanyang paboritong tapsi.
Samantala, aabangan ang bagong pampakilig na K-drama tampok ang Korean stars tulad nina Joy ng Red Velvet at Park Min-Young.
Nagpapatrol, Anna Cerezo. TV Patrol, Miyerkules, 18 Nobyembre 2026