Friday, November 20, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

3 patay matapos mabagsakan ng tangke ng tubig sa Abulug, Cagayan

BFP Abulug photo

ABULUG, Cagayan — Nasawi ang tatlong lalaki matapos mabagsakan ng tangke ng tubig sa Abulug, Cagayan, umaga ng Huwebes, Nobyembre 19.

Ayon sa BFP Abulug na rumesponde sa insidente, nagwe-welding ang mga biktima sa isang water facility sa Barangay Simayung nang biglang bumagsak ang tangke ng tubig.

“Sila po ‘yung mga welder, under construction ‘yung infrastructure, nagwe-welding sila nang bumagsak ‘yung tangke. Dinatnan namin ‘yung tangke na bumagsak dun sa kinatatayuan niya mismo,” sabi ni Fire Officer 1 Joer-Randel Mamauag.

Kinailangan nang gumamit ng excavator para makuha ang mga biktima na nadaganan.

“Unfortunately, pagkatanggal ng water tank, lifeless na ‘yung mga biktima,” ani Mamauag. 

Sa pahayag ng Abulug Water District, nilinaw nilang hindi nila pagmamay-ari ang water tank at proyekto kundi sa isang kooperatibang nagbibigay ng potable water supply at basic sanitation services sa rural at last-mile communities.

“Ang Abulug Water District ay isang hiwalay na ahensya at walang anumang koneksyon, pamamahala, o operasyon sa nasabing pasilidad,” ayon sa pahayag ng AWD. 

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa dahilan ng pagbagsak ng tangke ng tubig.

IBA PANG ULAT:

Leave a Reply