Thursday, November 19, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: ‘Filipiñana’ star na si Jorrybell Agoto pumanaw na

Pumanaw na ang bida ng pelikulang ‘Filipiñana’ na si Jorrybell Agoto.

Inanunsyo ng Film Development Council of the Philippines ang kanyang pagyao sa edad na 31.

Nagpaabot ng pakikiramay ang FDCP sa mga mahal sa buhay ni Jorrybell, sabay na nag-alay ng pagpupugay sa malaking ambag ng aktres sa industriya na anila’y mananatiling nakatatak sa kanilang puso at ng manonood.

Nitong Setyembre isinapubliko ng pamilya at mga kaibigan ni Jorrybell na nasa critical care unit ang aktres dahil sa paglaban sa sakit na lymphoma. 

Lubos pong nakikiramay ang ABS-CBN News sa pamilya ni Jorrybell Agoto. TV Patrol, Huwebes, 19 Nobyembre 2026.

Leave a Reply