TV PATROL: Higit P2M smuggled na ukay-ukay sinamsam sa Bacolod City
Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit P2 milyong halaga ng umano’y smuggled na ukay-ukay sa Bacolod City, Negros Occidental.
Nasabat sa operasyon ng PNP Criminal Investigation and Detection Group ang animnapung sako ng mga ukay-ukay pati ang truck na ginamit sa pagbiyahe ng mga damit.
Babala ng pulisya, maaaring pagmulan ng sakit ang mga damit na hindi dumaan sa wastong inspeksyon.
Dagdag ng CIDG, ipinagbabawal ang pag-aangkat ng mga segunda manong damit para maprotektahan ang kalusugan ng publiko.
Nagpapatrol, Karen de Guzman. TV Patrol, Huwebes, 19 Nobyembre 2026.