TV Patrol: Pang. Marcos at Chinese Pres. Xi Jinping nagkamay sa APEC Summit
Pagdating ni Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Marcos sa Shenzhen, China dumiretso sila sa gala dinner kung saan nakasama nila ang ilang makapangyarihang world leader.
Nagkamay sina Pangulong Marcos at Chinese President Xi Jinping at nakasama rin sa opisyal na group photo ng APEC leaders.
Nitong mga nakaraang buwan, naging tensyonado ang ugnayan ng Pilipinas at China pero malinaw ang mensahe ng pangulo sa mga Pilipino sa pagdalo sa APEC.
Palalawakin ang kalakalan at pamumuhunan sa China, habang tumitindig sa isyu ng interes sa West Philippine Sea.
Ngayong Huwebes, dumalo si Marcos sa 33rd APEC Economic Leaders’ meeting.
Dito nanawagan si Xi sa APEC member economies na isulong ang pagkakaisa at pagtutulungan.
Nag-anunsyo rin si Xi na magdo-donate ang China ng $20 million para sa practical cooperation ng APEC.
Sumentro naman sa epekto ng artificial intelligence sa ekonomiya ang mensahe ni International Monetary Fund managing director Kristalina Georgieva.
Sa kanyang intervention o talumpati, isinulong ni Pangulong Marcos ang mas malakas na regional cooperation at mas maraming oportunidad sa ekonomiya.
Pagkatapos nito, lumagda ng comprehensive economic partnership agreement ang Pilipinas at Chile sa bilateral meeting nina Marcos at Chile President Jose Antonio Kast.
Ito ang kauna-unahang free trade deal ng Pilipinas sa South America.
Nagpapatrol. Jervis Manahan.
TV Patrol, Huwebes, 19 Nobyembre 2026