TV PATROL: DOTr: 5 estasyon ng MRT-3 isasailalim sa malawakang rehabilitasyon
Inanunsyo ng Department Of Transportation ang pagpapaayos ng limang istasyon ng MRT-3.
Kabilang dito ang North Avenue, Kamuning, Cubao, Shaw Boulevard at Taft Avenue.
Kinumpirma ito ni Transportation Secretary Vince Dizon matapos suriin ang katatapos lang na rehabilitasyon sa Quezon Avenue Station.
Layunin ng proyektong paigtingin ang kaligtasan at mapabuti ang serbisyo para sa kalahating milyong pasahero na sumasakay sa mga tren ng MRT-3 araw-araw.
Aabot sa isandaan at limampung milyong piso ang gastos sa rehabilitasyon ng bawat estasyon.
TV Patrol, Biyernes, 20 November 2026.