TV PATROL: Marcos, Chinese FM Wang tinalakay ang pagpapahupa ng tensyon sa WPS
Hindi man nakapulong ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si Chinese President Xi Jinping, nakausap naman niya ang Foreign Minister ng China tungkol sa isyu ng West Philippine Sea.
Ayon sa Pangulo, suportado ng China ang Code of Conduct sa South China Sea.
Bukod sa mga opisyal ng gobyerno, nakipagpulong din si Pang. Marcos sa mga opisyal ng ilang malalaking kumpanya sa China.
Samantala, hindi nakikitang isyu ng pangulo ang pagpapatugtog ng awiting ‘Anak’ ni Freddie Aguilar sa APEC gala dinner.
Inamin naman niyang naguguluhan siya sa mga protesta kontra Pax Silica, lalo na’t wala pa namang kasunduang pinipirmahan.
Kaugnay niyan, nilinaw ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na walang kinalaman ang mga protesta sa hindi pagpirma sa Pax Silica Framework Agreement.
Mula sa Shenzhen, China, nagpapatrol si Jervis Manahan. TV Patrol, Biyernes, 20 Nobyembre 2026