Saturday, November 21, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Walang helmet, 2 angkas: Vlogger pinatawan ng 90-day license suspension

Inisyuhan ng Land Transportation Office ang isang kilalang vlogger ng show cause order (SCO) matapos kumalat ang kanyang video kung saan siya ay nagmomotor na walang suot na helmet.

Sa pahayag na ipinalabas ng LTO, nakita sa nagviral na video na nakamotor siya sa pampublikong kalsada kasama ang dalawang angkas na kapwa wala ring suot na helmet.

Dahil dito nagpalabas si LTO Chief, Assistant Secretary Markus Lacanilao ng isang SCO laban sa nasabing vlogger.

Pinatawan din ang vlogger ng 90-araw na preventive suspension ang kanyang lisensya at inatasan siyang agad itong isuko sa LTO Palawan District Office.

Ipinag-utos din sa driver na humarap sa LTO Palawan District Office sa Nobyembre 24, 2026, upang magsumite ng sinumpaang komento o paliwanag kaugnay ng mga paglabag na nakasaad sa SCO.

Kabilang sa mga paglabag na tinukoy sa SCO ang hindi pagsusuot ng itinakdang standard protective motorcycle helmet, pagsasakay ng higit sa isang backrider o overloading, at reckless driving dahil sa pagkuha ng larawan o video habang nagmamaneho.

Inilagay na rin sa alarm ang kanyang driver’s license at ang mga motorsiklong matutukoy na sangkot habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

“Bilang vlogger, may responsibilidad siyang maging maingat sa mga kilos na ipinapakita niya sa publiko dahil maaari itong gayahin ng kanyang mga tagasubaybay. Hindi dapat isinasantabi ang kaligtasan para lamang makakuha ng larawan o video na maibabahagi sa social media. Kailangang nakatuon ang buong atensyon sa pagmamaneho sa lahat ng oras,” sabi Asec. Lacanilao.

Leave a Reply