Sunday, November 22, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Bea Millan-Windorski inirampa ang ‘Diwa Ng Kordilyera’ sa Miss Universe NatCos competition

Hindi nagpakabog ang pambato ng Pilipinas na si Bea Millan-Windorski sa national costume competition ng Miss Universe pageant sa Puerto Rico. 

Inirampa ng Pinay beauty ang tradisyonal na kasuotan ng mga taga-Cordillera. 

ampok sa pulang kasuotan ang masusing paghahabi mula sa Mountain Province, mga detalye ng tradisyonal na ‘batok’ o tattoo patterns ng Kalinga, at makukulay na alahas at beadwork. 

Highlight din ng kaniyang kasuotan ang kaniyang head dress na mga banga o ‘clay pots’ na hango naman sa “Banga Salidsid” na sumasalamin sa lakas at kariktan ng mga babae sa Kalinga na naglalakad sa matatarik na bundok at hagdang palayan para kumuha ng tubig. 

Nagpapatrol, John Saavedra. TV Patrol, Linggo, 22 Nobyembre 2026

Leave a Reply