TV PATROL: Naggagandahang Christmas village at display binuksan sa iba-ibang syudad
Tara na at mamasyal sa iba-ibang Christmas village na binuksan ng mga lokal na pamahalaan.
Sa Taguig City, iba-ibang tunnel of lights ang pwedeng pasukin.
Sinagtala ang tema ng Christmas village na hango rin ang karamihan sa dekorasyon sa mga bersikulo sa bibliya.
Sumisimbolo sa liwanag na gumagabay sa mga tao sa gitna ng pagsubok at naghahatid ng mensahe ng pananampalataya, pag-asa at pasasalamat.
Paggunita rin ito sa mga pamayanan na umaasa sa mga tala at ilaw para makapaglayag sa Laguna De Bay.
Sa Calamba, Laguna naman, mala-Disney ang tema ng pasyalan.
Nagpapatrol si Dennis Datu! TV Patrol, Linggo, 22 Nobyembre 2026