Sunday, November 22, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: P180-M disaster fund complaint vs Laguna Gov. Sol Aragones ibinasura ng Ombudsman

Ibinasura ng Office of The Ombudsman ang isa sa mga reklamong inihain ni Laguna Provincial Board Member Karla Monica Adajar-Lajara laban kay Laguna Governor Sol Aragones dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya. 

Kaugnay ito ng umano’y maanomalyang paggamit ng P180-M na pondo para sa mga programang pangkalamidad. 

Damay din sa mga ibinasurang reklamo ang apat na iba pang opisyal ng kapitolyo. Naghain na ng ‘motion for reconsideration’ si Adajar-Lajara. 

Hiniling niya sa Ombudsman na isantabi ang dismissal order at atasan ang kampo ni Aragones na magsumite ng counter-affidavit para mailahad ang kanilang panig. 

TV Patrol, Linggo, 22 Nobyembre 2026

Leave a Reply