Sunday, November 22, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Prosekusyon nais magsagawa ng closed door sessions ng mga testigo sa paglilitis ni Duterte sa ICC

Ipinaliwanag ng abogado ng mga biktima ng war on drugs kung bakit kailangang isagawa ang closed-door sessions at gumamit ng mga alias ang mga testigo sa paglilitis sa kasong crimes against humanity ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court. 

Ayon kay Atty. Neri Colminares, ito’y para hindi matakot ang mga testigo na magbigay ng pahayag. 

Nilinaw ni Colmenares na korte ang magdedesisyon kung ano-anong bahagi ang isasapubliko o gagawing closed-door. 

Nakatakda naman ilabas ng Truth Commission ang paunang report nito sa mga biktima ng giyera kontra droga sa Lunes. 

Nagpapatrol, Daniza Fernandez. TV Patrol, Linggo, 22 Nobyembre 2026

Leave a Reply